Header Ads

Ryan Rems Sarita's Winning Jokes on Showtimes' Funny One Segment

Image from Ryan Rem Sarita's Facebook page.

The emerging Novaliches-based comedic talent Ryan Rems Sarita hits the “It’s Showtime!” stage again later today in the talent search segment called “Funny One.” In anticipation of this, here is a collection of jokes from his winning performances earlier this month for the benefit of those like me who have become quite enamored with his different kind of comedy as well as for those who are in school or at work who regrettably do not get to watch him live. It goes without saying that many of these jokes will not be half as funny as when Sarita himself delivers them with his antics, facial expressions and near-perfect timing.

[Note: The contents of this post were personally transcribed by the owner of this site from Ryan Rem Sarita's public performances on It's Showtime with the help of videos from Iwantv.]


Simulan na natin ang Alamat! Olryt! \m/Rock 'N Roll to the World ✌✌✌
Posted by Ryan Rems Sarita on Saturday, July 18, 2015


❖ Alam n’yo may mga mali rin tayong dasal gaya ng “Lord bakit ako pa?” Natural, alangan naming ako! Eh ‘di ikaw! ‘Wag kang magrereklamo sa ‘yo binigay yan eh! Hoo!!! Rakenrol!!!

❖ May best friend ako Koreano. Muntikan na s’yang maging James Bond. Pero pumalya s’ya sa final audition. Sabi n’ya, “The name is Bond. Double-Oh-Cheben.” Orayttt!!!

❖ Meron nga pala akong textmate sa impiyerno. Hindi s’ya makareply kasi wala s’yang load. Rakenrol to the world!!!

❖ Alam n’yo one time nagkaro’n ako ng karelasyon. Apat na taon kaming nagsama sa iisang bubong pero nilayasan n’ya ako. Wow! Nakita ako ng nanay kong umiiyak sa aking kwarto. Sabi ng nanay ko, “Umiiyak ka ba?” Sabi ko, “Oo ‘nay umiiyak ako.” Sabi n’ya, “Wag mong iiyakan ‘yang babaeng ‘yan tandaan mo! Hindi ka lugi na ibahay mo s’ya. Wow! Words of wisdom! Sabi ko, “Nay, nalimutan mo na ba? Bahay nya ‘to!!!”

❖ Isa rin nga pala akong scientist. Naka-imbento ako ng insecticide na hindi nakakamatay ng insekto pero nakakabaog. Kaya’t ‘pag may nakikita akong dalawang ipis sa aming pader na magkadikit iniisprayan ko lang at sinasabi ko, “Hanggang d’yan na lang lahi n’yo! Family planning…” Orayyyttt!!!

❖ Alam n’yo napakatalino ng mga aliens kasi ginawa nila ang pyramids sa Egypt, hindi sa Pilipinas. Kung sa Pilipinas nila ginawa ‘yun mapanghi na ‘yun! At siguradong may sign nakalagay, Bawal Umihi Dito. Orayyyttt!!!

❖ Eto ho ang paborito kong kasabihan. Malalaman mong mayaman ka na kapag ang dasal mo gabi-gabi, “Lord, sana walang umutang sa akin.” Rakenrol!!!

❖ Eto nga pala ang magandang kasabihan sa mga babaeng ikinasal na. Kapag kumupas na ang ganda mo nariyan pa rin s’ya sa tabi mo, mayaman ka! Orayyttt!!!

❖ Naniniwala ba kayong bagong babae bagong gastos? Walang punchline survey lang. Kaya't hindi ako nambababae magastos. Dun na lang ako sa luma steady lang ang gastos. Orayyyttt!!!

hooo alright! rock 'n roll to the world!
Posted by Ryan Rems Sarita on Tuesday, July 14, 2015


❖ Alam n’yo nauubusan na tayo ng gasolina, so bibili na lang ako ng kabayo. Mawawalan ng gas station. Magkakaro’n ng grass station. Siyempre sasakay ako sa aking paboritong kabayo. Hoy Marley Bob! Orayttt!!! Uy!!! Unleaded grass!!! Dito tayo!!! Full stomach mo si Marley Bob! Orayttt!!!

❖ Alam n’yo kagabi nag-away kami ng girlfriend ko. Sabi n’ya, “Alam ko’ng may bago kang babae. 18 years old!” Sabi ko, “Huli ka na sa balita! 25 na s’ya ngayon!” Orayttt!!!

❖ Alam n’yo nung panahon ng Katipunan, kung meron nang Facebook, malamang hindi nabaril si Bonifacio. Kasi matitiktikan n’ya yun eh. Wow, in-unfriend ako ni Aguinaldo. Orayttt!!!

hooo alright! rock 'n roll to the world!
Posted by Ryan Rems Sarita on Sunday, July 12, 2015


❖ Alam n’yo nung namatay si Whitney Houston bigla akong nagpanic. Sabi ko sa nanay ko, “Nay tingnan mo yung balita. Si Whitney Houston nalunod sa sarili n’yang bathtub habang sabog na sabog sa droga.” Sabi ng nanay ko, “Wag kang magpanic, wala tayong bathtub!”

❖ Alam n’yo, isa rin akong negosyante. Kaya lang, ang kaya ko lang ibenta ay bad trip. So pano yan? Magbebenta ako ng bad trip sa isang mall. May isang sign nakalagay sa aking footage “Bad Trip for Sale.” ‘Pag may umorder sisipain ko ‘yung mukha! Bad trip di ba?

❖ Alam n’yo pag merong krimen sa aming lugar bigla na lang ako nagpa-panic din kasi malamang isa na naman akong suspect.

❖ Sabi nila laughter is the best medicine. Kaya’t nung nasa ospital ang tatay ko pinatawa ko ng pinatawa. Ayun namatay s’yang nakangiti.

❖ One time pinasok ang bahay namin ng mga magnanakaw, akyat bahay! Nagkatitigan kami! Sabi nila, “Uy! Nauna ka na pala!”

hooo alright! rock 'n roll to the world!
Posted by Ryan Rems Sarita on Monday, July 13, 2015


❖ May dalawang dahilan kaya tumatakbo ang mga babae. Una, para sa kanyang kalusugan, pangalawa hinahabol ko siya.

❖ Hindi ka ba napipikon pag tinatawag kang Ms. Photogenic? Kasi malamang hanggang litrato ka lang. Dun ka lang talaga maganda. Orayttt!!! Hoooo!

❖ Alam n'yo nasubukan ko na ring maging carnapper. Problema lang hindi ako marunong magdrive. Kaya ginagawa ko iniistart ko lang yung kotse. At nag-iiwan ako ng note... Hindi ako marunong magdrive. Orayttt!!!

❖ Ayaw na ayaw kong naghahamon ako ng suntukan... Dahil long hair ako malamang bagsak nun sabunutan...

❖ Alam n'yo naaawa ako sa mga pulubing vegetarian... Bakit ka naman magvevegetarian eh pulubi ka na nga. Dapat eat all you can... Orayttt!!!


Salamat sa pagboto mga tsong. Rock 'N Roll to the World!! ✌✌✌✌
Posted by Ryan Rems Sarita on Friday, July 17, 2015


❖ Sa sobrang sikat ng riding in tandem magiging four year course na ito. Pero sa tingin ko konti lang ang ga-graduate kasi maraming mamamatay sa OJT.

❖ Alam n’yo, ang lola ko ay namatay ng may Alzheimer's disease. Ang problema lang dun, nalilimutan n'yang patay na s’ya.

❖ Alam n’yo, matatalino ang mga rugby boys kasi alam nila ang solusyon sa gutom. At they always stick together. Orayttt!!!

❖ Lahat tayo ay namamangha sa magkakatugmang salita. Nung unang panahon tayo ay namangha. Erap para sa mahirap. Wow! Nakakamangha nga. Tatakbo rin ako bilang inyong pangulo sa susunod na halalan. Ang perpekto kong slogan ay “Ryan para sa mayaman!” Orayttt!!!

❖ Mga mayayaman iboto n’yo ako tulungan natin ang mga mahihirap. Mga mahihirap, iboto n’yo ako huthutan natin ang mga mayayaman. Orayttt!!!

❖ Minsan, nakipagdate ako sa amoy bagoong. Ayaw ko s’yang ma-offend kaya’t nagsawsaw na rin ako ng mangga. Orayttt!!!

And these are the updates from another winning performance in today's show (21 July 2015):

❖ Alam n’yo, idol na idol ko ang mga taong grasa… Kasi buhay pa sila. So kapag nakakakita ako ng taong grasa sinasabi ko, “Pre! Good job!” Hoooo!!!

❖ Alam n’yo sobrang taas ng pride ng taong grasa. Hindi sila nakikipagkaibigan sa kapwa nila. At ‘di rin sila naliligo kasi minimaintain nila ang image nila. Orayyyttt!!!

❖ Alam n’yo, galit na galit ang kapitbahay ko kasi lagi akong nakikinuod ng TV sa kanila. So ginawa ko kinuha ko TV nila! Orayyyttt!!!

❖ Sabi nila ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw. Pero hindi ganun ang riding in tandem. Naghahanap lagi sila ng kadamay. Brad, gusto mong kumita? Sakay na! Orayyttt!!!

❖ Sabi nila ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw. Pero hindi ganun ang riding in tandem. Naghahanap lagi sila ng kadamay. Brad, gusto mong kumita? Sakay na! Orayyttt!!!

❖ Alam n’yo, nasubukan na naming mag-ina ang kumain ng sayote sa loob ng anim na buwan araw-araw. Sabi ko sa nanay ko, “Nay puro sayote na lang wala na bang iba?” Sabi ng nanay ko, “Mapalad tayo anak. Kasi yung kapitbahay natin walang makain. Hindi pa tumutubo ang sayote nila!” Orayyyttt!!!

❖ Alam n’yo kanina may nakasalubong akong demonyo. Sabi ng demonyo, brad pahiram ng sungay…. Orayyyttt!!!

❖ Alam n’yo gustong-gusto ko jumingle sa mga waterless urinal. Kasi napaka-hitech nito. Gumagamit ito ng ihi para i-flush ang ihi. So pagkatapos jumingle ng nasa harap ko sinasabi ko, “Brad! Ako nang magfaflush!”

❖ Alam n’yo ayaw na ayaw kong nakikipagdate ako sa aking katrabaho. Kasi alam n’ya kung magkano ang aking sweldo. Orayyyttt!!!

❖ Alam n’yo pagkagraduate ko ng college, napagkamalan akong addict ng erpats ko. So ginawa n’ya pinarehab n’ya ako. Actually dapat third year college pa lang ako ipaparehab na ako. Kaya lang tumanggi si ermats sabi n’ya, “Wag muna pumapasa pa naman eh!” Orayyyttt!!!